Mga Babala

Naaalala ko pa silang mabuti, sapagkat malaki ang naitulong nila simula pa nang aking pagkabata. Marami silang naituro sa akin na hanggang ngayon ay dala-dala ko pa. Sadya nga yatang may mga taong itinadha para makatagpo natin sa hinaharap.

Ang aking tinutukoy ay ang pamilya ng aking ninang Sally. Simula pa noon ay malapit na ang pamilya namin sa kanila. Kilala kong mabuti ang ninang, at kaibigan ko ring matalik si Carmel, ang aking kinakapatid sa kanila. Madalas kaming magkalaro noong mga bata pa kami, at hanggang sa lumaki na kami ay sabay kaming nag-aral hanggang kolehiyo.

Kumuha ako ng kurso sa kasaysayan habang si Carmel naman ay nagpatala para sa matematika. Madalas kaming magkita sa Room 801 noong nag-aaral pa kami kapag kami ay kailangang maghanda para sa isang pagsusulit.


Minsan, habang naroon kami ay biglang nabahala si Carmel. Hindi ko alam kung anong nangyayari, pero takot na takot siyang nakatingin sa isang sulok ng silid. Nang tumingin naman ako roon, wala naman akong nakikitang kakaiba. Nakakakita raw siya ng isang batang umiiyak.

Batang umiiyak? Sino kaya siya?

Biglang tumakbo si Carmel papalabas sa silid, kaya dali-dali ko siyang sinundan. Umimiiyak siya habang pilit ko siyang pinapakalma. 

"Hindi ako! Hindi ako ang dapat sisihin!" Sumisigaw siya. Pinagtitinginan na kami ng mga tao subalit wala naman akong magawa. Tila may gumugulo sa kanyang isipan. Hindi ko malilimutan ang mga hagulgol niyang iyon.

Tila may mga babala si Carmen.

x----x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Robinsons Galleria.

Comments

Popular Posts