Pighati

Ano nga ba ang pighati? Bakit kailangang lasapin natin ito sa mga panahong mahina tayo at tanging pag-asa sa kabutihan ng Diyos na lamang ang ating kinakapitan? Ang sabi ng iba, ang pighati raw ay isang mahabang sakripisyo na nagdudulot ng kabanalan. Hindi ko alam, pero siguro masyado akong makasalanan kaya't kailangan kong magpakabanal.

Noong nakita ko ang batang ito, labis na awa ang aking naramdaman. Habang nakikita ko siyang nahihirapan habang nilalabanan ang kanser ay may luhang tumulo sa aking mga mata. Bakit kasi kailangan pa niyang magkunwari na nalalaman niya ang lahat? Bakit kasi sinubukan niya ang Diyos!

Minsan, napapaisip talaga ako kung nagpaparusa nga ba ang Diyos? Hindi kaya masyado akong makasarili at ako ang pilit lumayo sa Diyos kaya't ngayon ay tinatawag na niya ako pabalik? Tinatawag kaya ako ng Diyos na dumulog sa kanya sapagka't sadya akong nakalimot?


Alam kong malalagpasan ko rin ang pagsubok na ito sa aking buhay. Sana, makayanan din ng batang ito ang darating na lalong mas mabigat na pagsubok. Sana makayanan niya ito. At kung darating na ang sandali na siya ay papanaw na, nawa'y makita niya ang liwanag.

Liwanag. Ano nga ba ang liwanag? Saan nga kaya matatagpuan ito? Saan kaya ako babaling upang ito ay masilayan nang may pananabik? Basta ang alam ko, ayoko sa kadiliman. Ayokong maging bulag. Maaring marami akong nalalaman. Pero alam ko sa sarili ko na hindi ako Diyos! Hinding-hindi kailanman!

Sana, nakinig ang bata sa mga madre. Sana hindi siya nahihirapan ngayon. Sinungaling ang kadiliman, at kailan man ay hindi tayo dapat manahan sa ating sariling karunungan.

May nagpapahirap sa kanya. Ang kanyang kasalanan.

x----x

Ang maikling kwento ay itinaguyod ng Nissan.

Comments

Popular Posts