Regalo

Nakita ko na naman ang mga koleksyon ng mga antique ng tatay. Umuwi ulit kami sa Nueva Ecija upang asikasuhin ang ilang mga bagay-bagay. Nadatnan ko sa bahay ang aming katiwala na naglilinis ng mga antique habang nakabukas ang radyo na nakapihit sa paborito niyang istasyon.

Nagulat ako sapagkat nag-iba ang ayos ng mga antique. Hindi ko na inusisa pa ito sa aming katiwala sapagkat mabait naman siya. Pero, habang pinagmamasdan ko ito parang namamalikmata ako. Parang may hakikita akong multo na nakaupo sa isa sa mga ito.

Napaatras ako mula sa kinatatayuan ko.


"Ma'am, may problema po ba?" tanong niya sa akin. "Mukha po kayong namumutla."

Umiling ako. "Pagod lang siguro ako sa biyahe. Lalabas muna ako."

Daglian akong umalis patungo sa labas upang makasagap ng preskong hangin. Nakita ko na naman ang upuan na iyon sa tabi ng puno ng mangga sa bakuran. Iyon ang antique na regalo ng inay sa itay noong buhay pa sila. May multo muling nakaupo rito. Biglang namula ang kanyang mata.

Napaurong akong muli. Biglang may sumigaw.

"Hinding-hindi kita malilimutan!"

x----x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Gatorade.

Comments

Popular Posts