Multo

Kinakabahan ako. Alam kong hindi ako takot at naniniwala sa mga multo, subalit alam ko kung ano ang nakita ng aking mga mata. Hindi nagsisinungaling ang ating paningin, bagaman minsan ito ay nabubulag sa iba't-ibang bagay. May takot sa aking puso. Tila may panganib.

Kaya nga iniwan kong nakabukas ang ilaw sa aking kwarto, at sa mga pasilyo ng bahay. Ayoko kasing makita ang isang bagay na pilit kong iwinaksi na sa aking isipan, at ayoko rin namang patotohanan ng aking mata ang mga bagay na hindi ko na pinaniniwalan.

Habang nakahiga ako sa kama sa kwarto ay naririnig ko ang alon ng dagat. Nakapikit ako pero nasa imahinasyon ko ang dagat. Unti-unti ay nakatulog na ako. Isang panaginip.


"Hindi ka ba talaga titigil?! Sawang-sawa na ako sa bibig mo!"

May nag-aaway sa aking panaginip. Mag-asawang nagkakasakitan na. Nagpatuloy ito at napakalinaw na nagaganap ito sa aking imahinasyon.

"Kung hindi mo isinangla ang bahay, hindi tayo magkakaganito! Hindi mo kasi pinapakingan ang mga sinasabi ko!"

"Tumigil ka!"

"Hayop ka talaga! Pati mana ko sa lola nilustay mo na! Kailan ka titigil sa sugal? Lumayas ka!"

"Hindi kita malilimutan demonyo ka!"

"Talagang lalayas na ko sa bahay na ito! Ayoko na! Sawa na ako sa 'yo!"

x----x

Ang larawan ay mula sa Pexels.

Comments

Popular Posts