Guni-Guni

Nasaan siya? Sino siya?

Nakita ko lang ang batang babae kani-kanina lamang. Naglalaro ito ng laruang manika, habang paminsan-minsan ay pinagmamasdan niya akong nakaupo sa gilid ng hardin.

Parang nakita ko na ang batang ito. Hindi ko lamang matandaan kung saan. Pati ang manika niyang dala ay parang namasdan ko na sa isang silid.

Tumayo ako upang harapin ang bata. Pero noong nakita niya ako, bigla itong tumakbo ng mabilis papunta sa likod ng bahay. Sinundan ko siya subalit bigla na lamang siyang nawala. Saan kaya siya pumunta gayong wala namang daan sa likod dahil may pader doon at wala nang ibang daan.


Bigla akong kinabahan. Nitong mga nakakaraang araw, maraming nangyayari sa kanyang parang mga guni-guni lamang. Kailangan na nga kaya niyang magpatingin sa doktor dahil sa mga nararanasan niyang ito?

Basta ang alam ko, wala akong ginawang masama. Malinis ang aking konsensiya. Kung ano man itong nagpaparamdam sa akin, siguradong hindi ito galing sa akin. Wala akong karma.

Pero, kung totoo ito, bakit ako ang dinadalaw nila? Bakit ako ang ayaw nilang patahimikin? Baka naman ibang karma ito na hindi ko alam.

Isang karma na nakalimutan ko lang.

x----x

Ang larawan ay mula sa Pexels.

Comments

Popular Posts