Abuso

Alam ko! Alam ko! Maraming tao ang umabuso sa akin. Dati pa. Simula pagkabata nakita ko na ang mukha ng abuso, kaya pilit ko itong kinalimutan. Pilit ko itong limutin na.

Naalala ko pa ang mukha ng halimaw na iyon nang kunin niya ang aking pagkabirhen. Hindi ko inasahan ang gagawin niya sa akin sapagkat mabait naman siyang nagpakilala sa akin. Naging magkaibigan kami hanggang sa ginawan niya ako ng lahat ng uri ng kahalayan.


Alam kong nasama ang ginagawa niya, pero bakit hindi ko siya nagawang pigilan? Sana tinabig ko siya at tumakbo. Sana tinadyakan ko ang ari niya para makatakas ako sa sumpa ng kaniyang mabulaklak na mga salita.

Ang pakiramdam ko napakarumi ko na. Hindi siya ang lalaking pinagnasaan ko dati. Naging halimaw na siya sa mga mata ko. Hindi ko malilimutan ang silid na iyon. Hayop siya! Binaboy niya ko!

Minsan, kapag naaalala ko ang pangyayaring ito, hindi ko maiwasang tumangis subalit hindi ko pinapakita kay Ramir para huwag na siyang mag-alala pa.

Ang silid na iyon. Hindi ko talaga malilimutan. Pugad iyon ng masasama. Alam ko. Dahil sila ang gumahasa sa akin.

Mukha lang siyang anghel. Subalit demonyo siya. Demonyo sila!

x----x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Chowking.

Comments

Popular Posts