Kasinungalingan

Ang sabi nila, may kasinungalingan daw na natatago sa bahay na iyon. Nagbahay-bahay kami upang kumuha ng impormasyon sa bibilhin naming bahay. Mura kasi ang presyo at maganda ang lugar. Sa ikalawang palapag ay tanaw mo ang alon ng dagat. Napakaganda ng tanawin. Mula nang makita namin ang bahay ay gustong-gusto na namin itong bilhin.

"May misteryo ang bahay. May kasinungalingang hindi maaring mabunyag. May mga yapak sa bahay na nagmumula sa kapangyarihang itim. Nakakatakot."


Madalas, iyan ang sinasabi ng mga taong napagtanungan namin. Ano kaya ang totoo? May kapangyarihan nga kayang naroon? Ewan ko ba, subalit walang epekto ang mga sinasabi nila tungkol sa bahay. Gusto ko pa rin itong bilhin.

Ang nagbebenta ng bahay ay si Aling Maring, ang katiwala ng bahay. Nasa Canada na raw ang mga may-ari at nais na lamang nilang maibenta ang bahay kaya't minurahan na lamang ang presyo. Basta maibenta na lamang. Sayang lang naman kung masisira lamang ang bahay dahil napabayaan na lamang.

Tuwang-tuwa si Aling Maring nang sabihin naming bibilhin na namin ang bahay. Gusto rin naman namin ng bahay bakasyunan na malapit sa dagat. Tamang-tama ang bahay sa aming pangangailangan. Kinuha na namin kaagad at baka may makabili pang iba.

"Tamang-tama ang bahay sa inyong dalawa," sambit ni Aling Maring. "Itatawag ko ito kaagad sa abogado ng pamilya upang maihanda na ang mga papeles. Salamat sa inyo. Hindi ko kayo makakalimutan."

Napakaganda ng ngiti ni Aling Maring.

x---x

Ang maikling kwento ay sa tulong ng Bench/.

Comments

Popular Posts