Dagat

Bigla akong nahulog mula sa tuktok patungo sa pusod ng dagat; nakahiga akong bumagsak. May pumasok na tubig alat sa ilong ko habang pilit akong lumalangoy paitaas. Madilim ang paligid at wala akong makita. Mabuti na lamang at bilog ang buwan noong panahon na iyon. Ang liwanag ng buwan ang tanging tumatanglaw sa dilim ng gabi.

Pagkalutang ko ay nakarinig ako ng alulong mula sa kanluran. Nakakatakot ang tinig na iyon, parang galing sa isang mabangis na hayop. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako makakilos upang lumangoy na patungo sa pampang. May pumipigil sa akin.


"Bakit nagbalik ka?" May tinig na bumulong sa akin.

"Sino yan?" Tanong ko. Lumilinga-linga ako upang hanapin kung sino ang may-ari ng tinig na iyon. Muling umalulong ang boses sa kanluran. Kinilabutan ako. Nasaan ako?

"Kung bumalik ka upang hanapin siya, huli ka na. Wala na siya."

"Sino siya?"

"Ha ha ha ha ha!" May bigat ang kanyang halakhak. Nanunuya.

Biglang may humatak sa kanyang mga paa patungo sa dagat.

x----x

Ang larawan ay mula sa Pexels.

Comments

Popular Posts