Bakas

May mga nakita akong bakas ng mga paa sa tabing-dagat noong araw na iyon, habang may tumatakbong eksena sa aking isipan. Paulit-ulit ito na parang sirang plaka. Akala ko ang pagpunta namin ni Ramir sa Boracay ay makakatulong na maalis ang mga alalahanin sa aking utak, subalit hindi rin pala.

Ang mga eksenang ito ay madalas ding lumitaw sa aking mga panaginip. Nagsisimula na nga akong mag-alala dahil ayaw akong tantanan ng mga panaginip na ito. Madalas na nagsisimula ito na magandang gunita hanggang sa nagiging madilim. Gumigising akong takot na takot.


Nasaan ba ang silid na ito? Bakit hindi ito umaalis sa aking utak? Ano ang nais sabihin ng mga eksenang ito?

Ang sabi ni Ramir, maaring galing ito sa aking karanasan noong bata pa ako. Pero bakit hindi ko maalala? Trauma nga kaya ito? Bigla ko tuloy na-miss si yaya. Sana naikwento ko ito kay yaya bago man lang siya namatay.

Pinagmamasdan ko ang bakas ng mga paa sa buhangin. Bakit parang may nais itong ipaalam sa akin? May pahiwatig ito na hindi ko maunawaan. May nais nga bang sabihin ang dagat?

May sariling tinig ang dagat habang gumugulong ang mga alon. Kaya siguro tayo nahuhumaling sa mga resort dahil dito. Patuloy ang ingay ng alon. Subalit wala pa rin akong maisip kundi ang mga eksena ng silid.

Minsan gusto ko na lang na tumigil na sila. Tama na! Pagod na ko!

x----x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Cebu Pacific.

Comments

Popular Posts