Girian

Nakikita ko silang lahat. Oo. Silang lahat. Naglalaban sila. Mayroon silang kanya-kanyang mga sandata. Matindi ang girian. Lahat ay sumisigaw. Silang lahat ay handang pumatay at mamatay. Umaalingawngaw ang mga sigawan. Maririnig ang mga espeda at mga panangga sa gitna ng malakas na sigaw. Marami sila. Lahat sila ay mabangis at handa sa kung ano pa man.


Nagising ako na pawis na pawis. Nanaginip na naman ako. Akala ko mamamatay na ako sa digmaang iyon. Pero hindi nga ba may digmaan din sa dibdib ko? Alam ko mukha akong masaya at kuntento, pero kapag tulog na ako, nakikita ko sila. May kung ano sa aking kalooban na hindi ko maintindihan.

Teka. Nasaan ako? Ngayon ko lamang nakita ang silid na ito. Hindi ba't nasa Cabanatuan ako kagabi? Bakit ako nandito?

Pinilit kong tumayo sa higaan kahit mabigat ang katawan ko. Ngayon ko lamang nakita ang silid na ito. Pilit kong pinagmasdan ang kabuuan nito. Walang ibang gamit sa silid kung hindi ang kama. Hindi ko alam kung nasaan ako.

Lumapit ako sa gawing pintuan upang lumabas at alamin kung kaninong bahay ako nakatulog. Subalit ito ay puno ng kandado. Mula taas hanggang sa pinaka-ibaba. Tila may nakakulong dito na hindi pwedeng pakawalan sa labas. Natakot ako.

Napaurong ako bigla. Hindi ba't pamilyar ako sa pintuang ito? Subalit hindi ko na maalala. Bakit nakakandado ang pinto? Sino ang naglagay sa akin sa silid na ito? Pakawalan ninyo ako! Tulong!

x----x

Ang larawan ay mula sa Pixabay.

Comments

Popular Posts