Sandali

Maraming nangyayari sa mundo ngayon na tila hindi na natin pinapansin. Marahil siguro hindi lang natin lubos na nauunawaan, kaya't hindi na lang natin inaalam. Madalas, ang mga kasalanang ginawa sa dilim ng gabi na ibinubunyag sa liwanag ay nawawalan ng saysay. Marami ang walang pakialam.

Kaya nga may mga taong naaakay sa dilim, sapagkat hindi sila makakita marahil sa kakulangan sa edukasyon. Maaaring bulag sila o hindi nila makita ang liwanag sapagkat sila ay nananahan sa dilim. Ang bulag kasi ay puro kadiliman lamang ang nakikita kahit dalhin sila sa kaliwanagan.

Ang sabi nga ng lolo, nasa dilim talaga ang mga halimaw. Naroon sila upang hindi sila mabunyag, bibilugin nila ang kanilang mga biktima, hanggang sila ay kainin na ng sistemang bulok.


Kaya nararapat lamang na labanan ang mga halimaw. Sabi ng ilan, hindi totoo ang mga halimaw. Hindi rin totoo ang mga multo. Sapagkat ang mga halimaw ay hasa ating mga puso, at ang mga multo ay ang ating nakaraan. Gawa-gawa lamang ito ng mga tao. Maraming mga tao ang mapanlinlang, kaya't nararapat na mag-ingat. Marami ang magnanakaw ng kaluluwa.

Sana, dumating na ang hinihintay ko. Dalhin sana nila ako sa kaliwanagan sapagkat hindi ko alam. Hindi ko hawak ang aking gunita at wala akong kilalang halimaw.

x---x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Adobo Connection.

Comments

Popular Posts