Bahagi

Maraming bagay na ang nangyari simula nang nawala ang yaya. At marami na ring dumating simula noon. Sadyang ganyan yata ang buhay, kapag may umaalis, may bago namang dumarating. Ang importante, sa mga bagong dumarating sa ating buhay ay lagi naman natin itong ibinabahagi sa iba.

Sa bawat bahagi ng aking buhay, marami akong nais pang malaman tungkol sa aking pagkatao. Madalas ko na itong maikwento sa iba. Ano naman kasi ang gagawin ko kung anong bahagi ang mayroon ako kung hindi ito pakinabangan din ng iba? Ayaw ko namang ipagdamot ang mayroon ako sa iba.


Subalit hanggang saan? Hanggang kailan? Dapat ko bang laging ibigay ang isang bahagi ng aking buhay? Ano pa ba ang dapat kong ibigay?

Noong dumating si Ramir sa aking buhay, naranasan ko namang mabahaginan. Ganoon pala iyon. Masaya pala sa pakiramdam ang nabibigyan din. Maganda pala sa pakiramdam ang ibigin din ng iba.

Maraming mga tao ang nababaliw sa pag-ibig. Noon, akala ko mga tanga sila. Kasi ginagawa nila ang lahat dahil sa pag-ibig. Pero noong naranasan ko ang lahat ng ito, naintindihan ko na ang lahat. Ganoon pala talaga iyon. Parang ayaw mo nang kumawala sa hawla ng pag-ibig.

Marami silang nasa hawla. Tila nasa isang silid. Kasama na ako. Subalit mali ba ang lahat ng ito? Tunay nga na may musika ang nakakarinig sa pag-ibig. Kapag naririnig mo ang tono nito ay tunay ngang mas gusto mo itong pakinggan kaysa titigan. Tunay nga na minsan, bulag nga ito.

x----x

Ang maikling-kwento ay itinaguyod ng Megaworld.

Comments

Popular Posts