Anino

Tila may humahabol sa akin. Kahit saan ako magpunta, pilit niya akong sinusundan. Nagpaparamdam siya. Minsan, nagpapa-amoy pa siya sa akin ng mga mabangong bulaklak. Pero madalas, sinasambit niya ang aking pangalan. Malamig ang kanyang boses. Nakakatakot.

"Sino iyan?"

Malumanay ang aking pagtatanong. Nangyari ito sa aming bahay. Hindi ko na matiis kasi. Ang kanyang boses ay tumatagos sa aking puso, at pilit sinusuri ang aking pribadong buhay. Bakit, ano ang kanyang kailangan sa akin? Sino siya?

Katunayan, noon lamang Lunes, nakakita ako ng mga sulat sa pinto ng aking silid.
MAHAL KITA
Nakasulat ito sa dugo. Nagulat ako, sapagkat mag-isa lamang ako noong gabing iyon. Sino kaya ang nagsulat nito? At bakit sa dugo?


"Huwag! Huwag kang lalapit!"

"Sumpain ka!"

Biglang umalingawngaw ang mga boses sa kabahayan. Sa unang pagkakataon, natakot ako. Totoo nga kaya ang mga multo? Bigla kong naalala si Ramir. Tama nga kaya ang sinasabi niya? May pilit kaya siyang pinapaalala sa akin na hindi ko lamang maunawaan?

"Mamamatay tao ka!"

Nakakatakot na ang mga sigawan. Dali-dali akong lumabas ng silid upang lumabas ng bahay. Pagkatapos kong makababa sa hagdanan, nakita ko ang dalawang anino sa sala na tila nag-aaway. May dalang patalim ang isa, habang pilit namang lumalaban ang isa.

"Papatayin kita!"

Pilit kong tumakbo patungo sa pintuan upang makalabas subalit natapilok ako.

"Hindi kita makakalimutan!"

x----x

Ang Maikling Kwento ay itinaguyod ng Yellow Cab Pizza.

Comments

Popular Posts