Katha

Hindi ko nga pala nasabing mahilig rin akong magbasa ng mga maikling kwento, tula, sanaysay, at mga nobela. Kaya nga kumuha ako ng kasaysayan bilang kurso sa kolehiyo upang mahasa ang aking anking-galing sa pagsulat ng mga sanaysay.

Sa mga kwentong nabasa ko na, masasabi kong ang mga istorya ng bawat isa ay mayroong kani-kaniyang personalidad subalit ang pagkakabuo sa mga ito ay may iisang debuho at mithiin.

May mga likhang tila madilim ang pagkakalahad, at mayroon din namang tungkol sa pag-ibig na nangungusap sa mga mambabasa sa tunay na kahulugan nito. Ang mga sining ay nagmumulat sa atin ng mga damdamin nating kailangang gisingin, katulad ng kahulugan ng pagkakaibigan o tungkol sa pag-ibig na tapat.

Si Ramir kasi ay romantiko rin naman, at madalas kong mabasa ang iba't-ibang personalidad niya sa mga maikling-kwentong binabasa ko. Kaya nga tayo nahuhumaling sa mga librong puno ng romansa upang mangarap na mangyayari rin ito sa atin.


Wala namang masamang mangarap, subalit ang mga kwentong ito ay hindi naman puro pag-ibig lamang. Marami sa mga kwentong ito ang puno ng pighati, paghihiwalay, pagkawasak ng pagkakaibigan, paghihiwalay ng mga mag-asawa, atbp. Madalas kasi, kung ano lamang ang maganda, yun lamang ang ating binabasa. Pilit nating nililimot ang mga pagsubok.

Kailangan matuto tayong magbasa nang buo.

Minsan, binigyan ako ng aklat ni Ramir. Hindi ko na maalala ang titulo nito subalit ito ay tungkol sa mga mata ng isang nobyo na ibinigay niya sa kanyang bulag na kasintahan upang ito naman ang makakita at siya na lamang ang mabulag. Nakakaantig ang kwentong ito, inaamin ko.

May mga pag-iibigan pa kayang wagas katulad nito?

x----x

Ang maikling-kwento ay itinaguyod ng Ayala Land Premier.

Comments

Popular Posts