Hiwaga

Ang buhay ay tunay na mahiwaga. Hindi mo ito makakayang pagmasdan ng matatanaw lamang nang iyong mga mata. Malalim ito, at minsan, kailangan mo itong marinig upang lalo mo itong maunawaan.

May kaibigan nga pala kami ni Ramir na mahilig sa musika, at mahusay sa pagpapatugtog ng violin. Sa kanyang husay, kasapi siya sa isang orchestra na tumutugtog sa teatro kung saan maririnig mo ang mensahe tungkol sa buhay at kung paano makitungo sa iba. Pero madalas, kapag tumutugtog siya, nakikita ko ang pag-ibig.


Pero kakaiba si Rodrigo. Sa kanyang violin naaalala ko ang aking kabataan. Sa musika ko kasi nakikita ang dula ng pag-ibig sa pamamagitan ng ritmo at tunog, at ang mga magagandang alaala ang sumasapit sa aking gunita. Malalim ang musika. Ito ang bintana ng kalinangan.

Minsan, may isang palabas sa teatro ang napanood namin ni Ramir na talagang tumatak sa aming mga buhay. Minsan talaga, iba ang pakikinig, sapagkat ang mata ay madalas magsinungaling.

Sa pag-aaral ko ng kasaysayan, nalaman ko na iba ang sinasabi ng mata sa tunay na nangyayari. Sa ating paghuhusga, minsan kailangang mas makinig kaysa tumingin. Katulad sa pag-ibig, minsan sinungaling ang mata.

Subalit may mga bagay namang mali sa pandinig na nakikita ng mata. Ewan ko ba. Nalilito rin ako. Ganyan talaga siguro ang buhay, kailangan mong malaman at suriin ang tama sa mali.

Katunayan, may lagi akong naririnig na musika na nagdadala sa akin sa isang mahiwagang silid.

x----x

Ang maikling kwento ay itinaguyod ng SM Aura.

Comments

Popular Posts