Kontra

 Ang tunay na kandado ay ang mga salitang binibitiwan natin laban sa ibang tao. Ang kandado ay ang nakapinid sa ating mga puso, kung saan sana ang pag-ibig ay nananahan. Ang kandado ay madalas nawawaglit ang kaukulang susi nito.

Bagaman ang kandado ay inilagay upang huwag itong mapasok ng mga taong walang dalang susi, madalas ang kandado ay nagsisimulang mabuo dulot ng mga trauma, bilang ptoteksyon laban sa mga taong may muhi. Lahat sa atin ay ayaw masaktan muli, kaya pagkatapos maghilom sa mga sugat ng kahapon, tayo ay bumubuo ng pader na may kandado upang hindi na ito maulit pang muli.


Kaya nga ang ating mga puso ay mahalagang ingatan mula sa mga matatalas na sibat ng mga salitang sumusugat ng malalim. Kailangang umiwas ang ating pag-iisip sa mga kaisipang mapagpaimbabaw bagaman ito ay mukhang malalim at kaaya-aya sa mata, sa isip, sa puso, at sa ating bibig.

Sa ating paghahanap sa mga kandadong ito, nasisilayan natin ang kahulugan ng buhay, lalo na habang naglalakbay paroon. Sa lahat ng ating ginagawa, namumulat tayo sa tunay na pangangailangan ng buhay, ng ating mga layunin, ng ating panaginip, at ang mabuhay ng patas at may hustisya.

Ang mga kandadong ito ay laban nga sa mga kontrabida. Ang ating mga puso ay lumalayo sa layuning kontra sa ating ninanais na buhay.

x-------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Universal Robina Corporation.

Comments

Popular Posts